10%-15% PINOY NA AYAW MAGPABAKUNA, MAS TAKOT SA TUROK KAYSA COVID

10%-15% PINOY NA AYAW MAGPABAKUNA, MAS TAKOT SA TUROK KAYSA COVID

BUMABA na sa 10% hanggang 15 porsyento ng mga Pilipino ang ayaw magpabakuna kontra COVID-19 dahil sa patuloy na paniniwala na makakasama ito sa kanilang kalusugan kaysa sa mahawa ng COVID-19.

Sinabi ni Department of Health Undersecretary Leopoldo Vega na ang numero ay mas mababa sa 35% na vaccine hesitancy na naitala noong mga unang buwan nang pagdaraos ng national vaccination.

“Yung umpisa ng pagbakuna natin, mataas talaga ‘yung vaccine hesitancy natin. Nasa mga 35% iyon. Pero sa karamihan sa mga vaccine hesitant, tinitingnan muna nila kung safe ba talaga o kung effective ba ito,” ayon pa kay Vega, sa isang panayam sa radyo at telebisyon nitong Linggo.

“But actually nag-improve na ito through the months. Noong nagbakuna na tayo, kumokonti na ‘yung 35% na ‘yan. Umaabot na nasa 10% to 15% na lamang ‘yung talagang hindi magpabakuna,” dagdag pa niya.

Patuloy namang tinitiyak ng DOH sa publiko na lahat ng COVID-19 vaccines na aprubado ng pamahalaan ay ligtas at epektibo dahil sa dumaan sa ibayong pagsusuri.

Hindi naman nawawalan ng pag-asa ang DOH na tuluyang mabakunahan nila ang 65% hanggang 70% ng populasyon ng bansa sa pagtatapos ng taon para maabot ang ‘population protection’.

Leave a Reply

%d bloggers like this: