KALIBO AIRPORT HANDA NA SA PAGDAGSA NG MGA TURISTA

KALIBO AIRPORT HANDA NA SA PAGDAGSA NG MGA TURISTA

HANDA na ang Kalibo International Airport sa pagdagsa ng mga lokal na turista at maging mga dayuhang turista kapag pinayagan na upang mapanumbalik ang sigla ng sikat na Boracay Island.

Tuluyan nang tatanggalin ng Kalibo International Airport ang RT-PCR test sa mga lokal na turista na magtutungo sa isla ng Boracay, ayon sa Bureau of Immigration.

Sa kasalukuyan, mga lokal na turista pa lamang ang nakakapunta sa Boracay at ‘waived’ na ang RT-PCR test sa mga bakunado habang kailangang sumailalim pa rin dito ang mga hindi pa nababakunahan o hindi pa kumpleto sa bakuna.

Umaasa naman ang Kalibo International Airport na tuluyan nang papayagan sa Disyembre ang pagdating ng mga dayuhang turista upang manumbalik na ang industriya ng turismo sa lalawigan.

Bilang paghahanda, nagsagawa na ng renobasyon ang airport. May mga kabi-kabilang promos na rin na iniaalok ang mga hotels para mapataas muli ang turismo.

Sinabi naman ni Aklan Governor Florencio Miraflores na bagama’t bakunado na, kailangan pa rin ng lokal na turista na magpakita ng kanilang vaccination certificates na makukuha sa website ng Department of Health at Department of Information and Communications Technology (DICT).

Tatanggapin din ang mga vaccination cards mula sa local government units basta at may QR codes.

Leave a Reply

%d bloggers like this: