SUPORTERS NI YORME ISKO NAG-CARAVAN DIN SA NCR AT CEBU

SUPORTERS NI YORME ISKO NAG-CARAVAN DIN SA NCR AT CEBU

PAGKAKATAON  naman ng mga supporters ni Aksyon Demoktratiko presidential bet at Manila City Mayor Isko Moreno na mag-caravan knitong Linggo sa Metro Manila at sa Cebu na dinaluhan ng mga motorista na balot naman sa kulay asul.

Ayon sa Aksyon Demoktratiko, aabot sa 5,000 motorsiklo at 500 kotse at iba pang behikulo ang dumalo sa tinawag nilang “The 2nd Blue Wave Caravan”.

Unang nagkaroon ng caravan ang alkalde nitong Oktubre 24 sa pagsapit niya sa kaniyang ika-47 kaarawan na kasabay rin ng kaarawan ng running-mate niya na si Dr. Willie Ong na nagselebra noon ng ika-58 kaarawan naman.

Nagsimula ang caravan ni Moreno sa south-bound lande ng Zaragosa Road 10 at tumulak sa Circumferential Road 4 patungo sa Bonifacio Monument sa Caloocan City. Binagtas nito ang south-bound lane ng EDSA hanggang sa Roxas Boulevard sa Pasay City.

Muli itong bumalik sa Maynila sa pamamagitan ng Luneta hanggang magtapos sa pinagsimulan sa Zaragosa Road 10.

Sa Cebu City, higit sa 500 miyembro ng grupong RIMO-Isko Cebu ang humilera naman sa mga bangketa ng Mandaue-Mactan Bridge bitbit ang mga tarpaulins at placards ng pagsuporta kay Moreno at Ong.

Leave a Reply

%d bloggers like this: