MGA KATUTUBONG PINOY, BIBIGYAN NG TRABAHO PARA PALAWAKIN ANG KAGUBATAN

MGA KATUTUBONG PINOY, BIBIGYAN NG TRABAHO PARA PALAWAKIN ANG KAGUBATAN

TATAPIKIN umano ni Aksyon Demokratiko presidential bet at Manila Mayor Isko Moreno ang mga katutubong Pilipino para manguna sa pagpapanumbalik ng mga kagubatan kontrasa ‘climate change’ at pagsawata sa mga ‘illegal loggers’.

Sa kaniyang pagsasalita sa isang pulong ng mga kooperatiba, katutubong Mangyan, at magsasaka sa Agricultural Training Institute sa bayan ng Naujan, Mindoro Oriental, sinabi ni Moreno na aabot na sa dalawang milyong ektaryang lupain ng mga kagubatan ang nakakalbo sa bansa.  Panahon na rin umano para wakasan ang pagsira ng mga multi-milyong dayuhang kumpanya sa ating mga likas na yaman.

“Sa ilang dekada, nangutang at gumastos ang gobyerno ng bilyon-bilyong piso para sa reforestation programs na limitado ang tagumpay dahil sa kawalan ng matibay na suporta at pakikilahok ng mga lokal na pamahalaan, komunidad at pribadong sektor,” ayon kay Moreno.

Sa kaniya umanong “Bilis Kilos 10-Point Agenda for Governance”, makikipag-ugnayan at tatapikin niya ang mga komunidad ng mga katutubo sa mga bulubundukin para sila ang direktang mamahala at magprotekta sa kabugatan at gumamit na rin ng mga likas na yaman nito sa loob ng kanilang mga ‘ancestral lands’.

“It’s time that we harness our people’s strength to manage the resources that God has bestowed on us. Dahil ako’y may tiwala sa Diyos, dapat magtiwala din tayo sa tao na nilalang nya”, giit ni Moreno.

Ikinatwiran ni Moreno na isang uri ng investment o pamumuhunan ang pagrekober, at pagprotekta sa mga likas na yaman ng bansa. Kritikal umano ito sa recovery plan matapos ang COVID-19 at pag-unlad pa sa mga susunod na dekada.

“Dito sa lalawigan ng Mindoro, malaki ang papel ng mga Mangyan at iba pang kautubo sa lalawigan para bantayan ang ating mga kagubatan laban sa illegal logging. At titiyakin nating mayroon silang suporta mula sa national government at sa mga LGUs,” said Moreno. (DANILO GARCIA)

 

Leave a Reply

%d bloggers like this: