SENATOR RODRIGO DUTERTE?

SENATOR RODRIGO DUTERTE?

TAPOS na ang telenobela at dramarama.  Matapos ang atras-abante, paliko-liko, iba-ibang pahayag, sa Senado ang destinasyon ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

Ito ay nang pormal na isumite ng kaniyang abogado ang kaniyang ‘certificate of candidacy (COC)’ sa pagkasenador sa darating na halalan sa 2022.  Humabol bago magsara ang opisina ng Commission on Elections (Comelec) si Atty. Melchor Aranas sa paghahain ng COC ng Pangulo nitong Lunes bago mag-alas-5 ng hapon.

Sinabi ni PDP-Laban secretary-general Melvin Matibag na tatakbo si Duterte sa ilalim na ng Pederalismo ng Dugong Dakilang Samahan (PDDS). Hahalili siya sa kandidatura ng isang Mona Liza Visorde.

Ginawa umano ito ng Pangulo para maiwasan ang mga legal na kumplikasyon habang may nagaganap na ‘gusot’ sa loob ng PDP-Laban. Ito rin ang dahilan kung bakit sa ibang partido nagsumite ng kanilang COC sina Sen. Bong Go at Sen. Manny Pacquiao.

Bago ito, una nang sinabi ni Presidential spokesman Sec. Harry Roque na bagaman may tampuhan ang Pangulo at ang anak na si Davao City Mayor Sara Duterte ay nagmamahalan naman umano sila.

Leave a Reply

%d bloggers like this: