PILIPINAS MAG-AALA-JAPAN; ROBOTICS PALALAKASIN NI ISKO

PILIPINAS MAG-AALA-JAPAN; ROBOTICS PALALAKASIN NI ISKO

BALAK makipagsabayan sa teknolohiya sa Asya ni Aksyon Demokrtiko presidential bet Isko Moreno na planong pasukin ang teknolohiya ng ‘robotics’ bilang bahagi ng kaniyang plano para sa pagpapaunlad ng edukasyon sa Pilipinas.

Sinabi ni Moreno na kailangang palakasin ng magiging susunod na pamahalaan ang ‘tech-voc courses’ at kailangang isama na dito ang iba pang matataas na teknolohiya na nasa ibang bansa na.

“Kailangan nating palakasin ang ating tech-voc courses at maisama ang mga teknolohiya ng ‘fourth industrial revolution’ tulad ng robotics at automation at makaliha tayo ng ‘artificial intelligence models,” ayon kay Moreno.

Bukod dito, sinabi ni Moreno na nakaplano na rin ang pagpapalakas niya sa pampublikong edukasyon tulad ng ginawa niya sa Maynila bilang alkalde.

Kabilang dito ang pagbibigay ng libreng computer tablets na may libreng WiFi, libreng school supplies at COVID hygiene kits.

Bibigyan naman niya ang mga guro sa mga pampublikong paaralan ng libreng laptop computers na may kasama na ring internet connection.

“Kailang i-level-up nating ang ating science, technology, engineering at mathematics (STEM) program dahil ang mga ito ang mga makabuluhang karera na magiging daan para makahabol ang mga estudyante natin sa ibang mga bansa,” ayon pa kay Moreno.

Leave a Reply

%d bloggers like this: