AYUNGIN SHOAL, MAHALAGA SA FOOD SECURITY

AYUNGIN SHOAL, MAHALAGA SA FOOD SECURITY

IPINAALALA ni Senador Kiko Pangilinan na napakahalaga ng Ayungin Shoal sa West Philippine Sea para sa food security ng bansa kaya’t dapat itong ipaglaban ng gobyerno.
Una nang naghain ng resolution si Pangilinan upang imbestigahan ng Senado ang posibleng epekto ng harassment ng China sa kabuhayan ng mga mangingisdang Pilipino.
Sinabi ng senador na ang pinag-uusapan ay food security dahil ang West Philippine Sea ay mayaman sa isda at katunayan ang mga isda na iniimport sa China ay posibleng galing dito.
Iginiit ng mambabatas na ang pagbibigay proteksyon sa exclusive economic zone ng bansa ay malaking tulong din sa pakikipaglaban sa kagutuman.
Ipinaliwanag ni Pangilina na dahil sa pambubully ng China, apektado ang mga mangingisda sa Pangasinan at Zambales na dati ay kumikita ng P5,000 at ngayon ay nawala dahil tinataboy sila.

Leave a Reply

%d bloggers like this: