PINAS, DAPAT MAGDAGDAG PA NG BARKO SA AYUNGIN SHOAL – LACSON

PINAS, DAPAT MAGDAGDAG PA NG BARKO SA AYUNGIN SHOAL – LACSON

BINIGYANG-DIIN ni Senador Panfilo Lacson na sa halip na tanggalin ang BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal mas nararapat itong ayusin at kung maaari ay dagdagan pa.
Kinontra rin ni Lacson ang pahayag ni Chinese foreign ministry spokesman Zhao Lijian na may kasunduan na ang Pilipinas at China upang alisin ang BRP Sierra Madre sa lugar.
Ang BRP Sierra Madre ay isang grounded vessel na nagsisilbing outpost ng Philippine Navy sa West Philippine Sea.
Sinabi ng senador na hindi dapat hayaan na iurong ang pwesto ng BRP Sierra Madre at kung maaari ay magdagdag ng isa pang barko.
Ipinaalala ni Lacson na hindi ito ang unang beses na nanghimasok ang China sa teritoryo ng Pilipinas at exclusive economic zone sa West Philippine Sea.
Noon pang 1995, inangkin din ng China ang Panganiban Reef na sinundan ng sigalot sa Panatag Shoal noong 2012. 
Kaugnay nito, inihahanda ni Lacson ang isang Senate resolution para ipahayag ang sentimyento ng Senado na nagkukundena sa mga nakaraang aksyon ng China sa West Philippine Sea.

Leave a Reply

%d bloggers like this: