LOKAL NA MERKADO, ILAKO SA MGA EMBAHADA

LOKAL NA MERKADO, ILAKO SA MGA EMBAHADA

Umapela si dating House Speaker Alan Peter Cayetano sa local government units (LGUs)) na suportahan ang kani-kanilang mga lokal na industriya upang matiyak na makakabagon sa ekonomiya at makaabot sa ibang bansa ang kanilang mga produkto.

                “Kahit anong ganda ng industriya sa isang lugar, iba talaga y’ung paglaki pag ‘yung local officials very supportive,” sabi ni Cayetano matapos magsadya sa lalawigan ng Liliw, Laguna.

Sa kanyang pakikipag-usap kina Liliw Vice Mayor Nhon Montesines at Councilor Ayette Noveda Ticzon sinabi ni Cayetano na kailangang matulungan ang mga local footwear makers at bumuo ng maliit na kooperatiba.

                “Lalo ngayong magpa-Pasko, ang dami po nating mga local government unit dito sa Metro Manila na kaibigan, baka mapakiusapan natin na sa mga bazaar nila mai-display din ‘yung mga produkto ng Laguna,” aniya.

Sinabi ni Cayetano, na dating nagsilbing kalihim ng Department of Foreign Affairs (DFA), plano nitong magpadala ng Laguna footwear bilang Christmas gifts sa mga embahada sa bansa upang makakuha ng international exposure.

“Unang-una, maraming Ambassador hindi pwedeng basta tumanggap ng regalong of value. Pero, kapag mga Philippine craft, pwede. At pag nagustuhan nila, malay mo magka-market pa sa atin,” paliwanag nito.

 “Gusto nating ipakita [sa viewers] na may mga tao sa likod niyan, and the more you support them, the more na ang Pilipino magkakatrabaho,” dagdag pa nito.

Leave a Reply

%d bloggers like this: