‘PALPAK’ NA BIKE LANE, SINISI SA MATAAS NA AKSIDENTE SA BIKERS

‘PALPAK’ NA BIKE LANE, SINISI SA MATAAS NA AKSIDENTE SA BIKERS

Sinisisi ng isang kongresista ang mababang uri ng infrastructure projects sa bansa kung kaya’t dumarami ang bilang ng mga aksidenteng kinasasangkutan ng mga nagbibisikleta.

                Sinabi ni Anakalusugan party list Rep. Michael Defensor, ang kawalan ng ligtas na safe mobility infrastructure ang dahilan kung kaya’t nakakapagtala ng maraming aksidente sa lansangan.

“In Metro Manila alone, we saw a 48 percent jump in bicycle road crashes in 2020. The rate of increase in accidents this year is bound to be even higher, considering that more people are choosing to go to work in bicycles,” sabi ni Defensor.

Aniya, dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo kung kaya’t marami ang napipilitang gumamit na lamang ng bisikleta papasok sa kanilang trabaho.

“We have to restructure and redesign our streets to accommodate the influx of bicycles,” ani Defensor.

“Right now, bicycle riders have very little leeway to safely navigate through motor vehicle traffic in our heavily congested roads, thus causing many accidents,” dagdag nito.

Sinabi nito na base sa datos ng Metro Manila Development Authority (MMDA), sa National Capital Region lamang, noong 2020 ay nakalagtala ng 2,606 kaso na kinasangkutan ng bisikleta mula 1,759 kaso noong 2019.

“But the MMDA statistics are understated, since they cover only crashes that get reported and documented.  We suppose that the real figures are much higher,” giit ng kongresista.

Una nang inihain ni Defensor ang House Bill 10396, o ang Bike-Friendly Communities Act upang magtatag ng travel environment for bicycle riders at maayos na cycling infrastructure.

Leave a Reply

%d bloggers like this: