BAGONG KASO NG COVID-19, NASA 425 NA LAMANG

BAGONG KASO NG COVID-19, NASA 425 NA LAMANG

NAKAPAGTALA ng panibagong pinakamababang bilang ng arawang kaso ng COVID-19 nang 425 na kaso ang nakalap ng Department of Health nitong Martes ng hapon dahilan para umakyat na sa 2,832,734 ang kabuuang bilang ng kaso na naitala sa buong bansa mula noon pang Marso 2020.

Sa DOH Case Bulletin No. 626, nakapagtala ng 2.1% positivity rate sa 24,442 indibidwal na isinalang sa COVID-19 tests nitong Nobyembre 28.

Naitala naman ang bilang ng mga pasyente na gumaling sa 909 dahilan para umakyat ang kabuuang bilang ng recoveries sa 2,768,389 o katumbas ng 97.7% ng total cases.

Nasa 44 ang pasyenteng nasawi para umakyat ang death toll sa 48,545 na katumbas ng 1.71% ng total cases.

Naitala ang mga aktibong kaso ng COVID-19 sa 15,800 na 0.6% ng kabuuang kaso sa bansa.

Sa mga aktibong kaso, nasa 47.5% nito ay mga mild cases, 5.3% ang asymptomatic, 6.8% ang kritikal, 16.0% ang severe at 24.42% ang moderate cases.

Leave a Reply

%d bloggers like this: