ENDORSO NI PRRD, HANGAD NI ISKO

ENDORSO NI PRRD, HANGAD NI ISKO

NAGPAHAYAG na ng kaniyang interes si Aksyon Demoktratiko presidential bet at Manila City Mayor Isko Moreno na maagaw ang endorsement ni Pangulong Rodrigo Duterte makaraang ihayag ni Senador Bong Go ang kaniyang pag-atras sa pampanguluhang halalan sa 2022.

“Hindi ako tatanggi. Ang pulubi, hindi nakakapamili,” ayon kay Moreno nang tanungin ukol dito.

Sinabi niya na naging tapat siya sa umpisa pa lamang na kailangan niya ng tulong, mga kaalyado, mga tagasunod at volunteers para sa kaniyang kampanya.

Sa kabila nito, nilinaw ni Moreno na walang plano ang kaniyang kampo na pagpursigihan ang pagkuha sa endorso ng Pangulo.

“Kung ako ang mapupusuan nila, salamat, thank you in advance. Pero ayoko pa rin pangunahan sila until they say so,” ayon sa alkalde.

Nauna nang naglabas ng mga pahayag si Moreno na kung siya ang magwawagi na bagong Pangulo ng bansa ay ipagpapatuloy niya ang giyera kontra iligal na droga na naaayon umano sa batas at ang ‘Build, Build, Build program’ ni Pangulong Duterte.

Leave a Reply

%d bloggers like this: