ANTI-COVID DRUGS NG MAYNILA, IPAMIMIGAY SA CENTRAL LUZON

ANTI-COVID DRUGS NG MAYNILA, IPAMIMIGAY SA CENTRAL LUZON

MAMIMIGAY ang Pamahalaang Lungsod ng Maynila ng binili nilang anti-COVID-19 na mga gamot sa mga pupuntahang lalawigan ni Mayor Isko Moreno sa Central Luzon kaugnay ng kaniyang “Listening Tour” para sa 2022 Elections.

Sa pagtungo ni Moreno at ng buong tiket ng Aksyon Demokratiko sa Talavera, Nueva Ecija, inialok ng alkalde sa mga pasyente ng COVID-19 ang stock nila ng Remdesivir, Tocilizumab, Molnupiraivir at Baricitinib.

“Itong mga gamot na ito mahirap makita sa mundo, mahirap talaga. Kahit mayaman hindi makabili nito, Mano pang mahirap. Kapag nagka-Covid kayo, nag-alala kayo, nanganganib ang mahal ninyo sa buhay huwag kayong mahihiya sa Lungsod ng Maynila kasi niyayakap namin ang bawat tao sa loob at labas Lungsod ng Maynila,” ayon kay Moreno.

Kahapon, nagtungo naman ang tiket ni Moreno sa Mabalacat at Angeles City sa Pampanga habang ngayong Biyernes ay sa Malolos at Meycauayan sa Bulacan naman sila pupunta.

Nitong nakaraang linggo, nasa 40,000 kapusal ng Molnupiravir ang naideliber sa Sta. Ana Hospital sa Maynila na ginagamit na storage space ng mga gamot kontra COVID-19.

Muling nanindigan si Moreno na iprayoridad ng nasyunal na pamahalaan ang pagbili ng mga gamot kontra COVID-19 kaysa sa pagbili ng mga face shields lalo na’t muli itong pinalulutang ng ilang opisyales ng pamahalaan.

Leave a Reply

%d bloggers like this: