BOOSTER SHOTS SA ADULTS, PWEDE NA UMPISA NGAYONG DISYEMBRE 3

BOOSTER SHOTS SA ADULTS, PWEDE NA UMPISA NGAYONG DISYEMBRE 3

UUMPISAHAN na ngayong Biyernes (Disyembre 3) ang pagbibigay ng booster shot ng bakuna kontra COVID-19 para sa mga adults o 18-anyos pataas, ayon sa Department of Health (DOH).

Ayon sa DOH, makakatanggap lamang ng panibagong shot ang mga adults na ‘fully-vaccinated’ na at umabot na sa anim na buwan ang pagitan sa ikalawang dose.

“Those who have completed their primary series of COVID-19 vaccines can be inoculated with the following brands regardless of which vaccines taken in the first two doses,” ayon sa DOH sa isang paskil sa kanilang Facebook page.

Ang mga brand ng bakuna na maaaring ipaturok ng mga adults para sa kanilang booster shots ay ang Sinovac, AstraZeneca, Pfizer, Moderna, Sputnik, at Janssen.

Nakatakdang maglabas rin ang National Vaccination Operations Center (NVOC) ng operational guidelines hinggil sa implementasyon nito.

Leave a Reply

%d bloggers like this: