IMEE SA ECO TEAM: IBIGAY NA ANG PONDO NG LGUs

IMEE SA ECO TEAM: IBIGAY NA ANG PONDO NG LGUs

SA GITNA ng nakaalarmang pagtaas muli ng COVID 19 cases, kinalampag ni Senador Imee Marcos ang economic managers na simulan na ang pagpapalabas ng mas mataas na pondo para sa local government units (LGUs) sa ilalim ng 2022 national budget.

Sinabi ni Marcos na ang mga LGU ang frontliners at kailangan na nila ng dagdag na pondo.

Batay sa 2018 Supreme Court ruling, 40% ng lahat ng national taxes ay ilalaan sa LGUs.

Dahil dito, tatanggap ang LGUs ng P 960 bilyon mula sa tax revenues, na katumbas ng 40% ng Php2.4 trillion tax base batay sa kwenta ng Department of Finance.

Iginiit ni Marcos na habang naghihintay ang mga lokal na pamahalaan ng pondo, patuloy ang pagtaas ng kaso ng COVID 19.

Ipinaalala pa ng senador na alinsunod sa Executive Order 138, ipinauubaya ng national government ang tungkulin ng ilang ahensya sa LGUs sa susunod na tatlong taon.

Gayunman, ilang lokal na opisyal ang humihiling nang mas mahabang panahon upang i-absorb ang lahat ng kanilang responsibilidad.

Nilinaw pa ng senador na kailangan pa rin ng tulong ng national governmentsa mga fourth hanggang sixth-class municipalities kung saan hindi pa handa ang mga pampublikong pagamutan para sa full transfer of functions.

Leave a Reply

%d bloggers like this: