LARRY GADON, SUSPENDIDO!

LARRY GADON, SUSPENDIDO!

UMAKSYON na rin ang Korte Suprema sa tila pambabastos ng abogadong si Larry Gadon sa propesyon ng mga abogado nang suspindihin ito dahil sa binitiwang malulutong na mura sabay tawa laban sa isang mamamahayag noong Disyembre.

Binigyan ng SC ng 10-araw si Gadon para magpaliwanag kung bakit hindi dapat siya tuluyang ma-disbar dahil sa pagmumura niya kay Raissa Robles.

Matatandaan na Disyembre 15, 2021 nang lumabas ang video ni Gadon na galit na minumura si Robles dahil sa pagtawag niya kay Bongbong Marcos na isang ‘tax evader’.

Umani naman ito ng batikos at panawagan ng publiko sa SC at sa Integrated Bar of the Philippines (IBP) na disiplinahin si Gadon dahil sa kaniyang bulgar na litanya. Hindi lamang umano insulot kay Robles ang binitiwang salita ni Gadon, ngunit maging sa propesyon ng mga abogado.

“In a resolution issued today, January 4, 2022, the Court En Banc motu proprio treated the matter as a formal administrative complaint for disbarment against Gadon,” ayon sa SC.

Inatasan rin ng SC ang Office of the Bar Confidant na isumite ang listahan ng mga nakabinbin na kasong administratibo laban kay Gadon. Inutusan rin ang IBP na magsumite ng ‘status report’ ng mga kasong administratibo na nakasampa sa kanila.

Matatandaan na una nang pinatawan ng tatlong buwang suspensyon ng SC si Gadon noong 2019.

Leave a Reply

%d bloggers like this: