GOBYERNO, MAY SAPAT NA PONDO PARA SA LIBRENG COVID 19 TEST

GOBYERNO, MAY SAPAT NA PONDO PARA SA LIBRENG COVID 19 TEST

TINIYAK ni Senador Sonny Angara na may sapat na pondong inilaan sa ilalim ng 2022 General Appropriations Act para sa libreng COVID 19 test ng mamamayan.

Sinabi ni Angara na sa ilalim ng 2022 GAA, kabuuang P17.85 bilyon ang maaaring gamitin para sa COVID 19 test.

Kabilang dito ang P7.92 bilyon sa ilalim ng Department of Health at P9.92 bilyon naman sa ilalim ng unprogrammed appropriations.

Ang pondo ay para sa “COVID-19 Laboratory Network Commodities” na maaaring gamitin sa free tests.

Ipinaliwanag ng senador na isinulong nila ang mas mataas na alokasyon para sa COVID testing dahil nagpapatuloy pa rin ang pandemya at may mga variant na umuusbong.

Hindi anya malayo na ang mga tinatamaan ng virus na walang nararamdamang sintomas o nakararanas lamang ng ubo at sipon ay sila ring dahilan ng malawakang hawahan.

Kaya mahalaga anya sa panahon na ito na lahat ng nagkakasakit—maging simpleng sipon man o ubo at lagnat ay sumailalim sa testing maging ang mga walang sintomas pero may exposure sa may sakit.

 

Leave a Reply

%d bloggers like this: